Mga Apela sa Batas Pampamilya
Mga apela sa Korte Suprema at sa Hukuman ng Apela.
Ang apela ay hindi ikalawang pagkakataon na subukang muli: isa itong makitid na pagsusuri para sa halatang pagkakamali. Nangangailangan ito ng malaking paghahanda, at may mahigpit na takdang panahon sa pagsasampa ng notice of appeal (paunawa ng apela).
Ano talaga ang apela
Sa karamihan ng kaso, ang desisyon ng hukom ang huling salita sa isang usapin. Gayunman, kung minsan, sa bihirang pagkakataon, nagkakamali ang hukom. Ang apela ay isang proseso para matiyak ang patas at wastong pangangasiwa ng katarungan sa ating mga korte. Ang apela ay hindi ikalawang pagkakataon na subukang muli; ibig sabihin, ang apela ay hindi bagong paglilitis. Sa pagsusuri ng kaso, tinitingnan ng hukom ng apela kung nagkamali ang naunang nagpasya sa pag-unawa sa mga katotohanan ng kaso, o nagkamali sa pagpapakahulugan ng batas. Dapat halata ang pagkakamali. Bukod dito, dapat ay may malaking epekto ang pagkakamaling iyon sa resulta ng kaso kaya humantong ito sa isang mali o hindi makatwirang desisyon.
Mahigpit na takdang panahon
Nangangailangan ang mga apela ng malaking paghahanda at trabaho, kaya magastos ang mga ito. Dapat laging kumuha muna ng legal na opinyon bago magsimula ng apela. May mahigpit na takdang panahon sa pagsasampa ng notice of appeal. Kung may tanong kayo tungkol sa isang apela, kumuha ng payong legal sa lalong madaling panahon para matiyak na hindi lalampas ang anumang takdang petsa.